Pages

For richer, For poorer

"Philippines is really rich in natural resources. Compared to others, Philippines is really rich. .... In other places, they are not really rich, but look at their highways, four-laned, and their facilities are complete as well as the services. Bakit kaya ganun noh? Because the taxes that the people are giving comes back to them . . . ? Ganun kaya siguro noh? Eh dito kaya sa Pilipinas? "

Yan ang mga salitang isinambit ng aking guro sa aming klase sa STS (Science Technology and Society). Hindi ako taimtim na nakikinig sa kanyang mga sinasabi nung mga oras na iyon ngunit nahuli niya ang aking atensyon sa mga salitang kanyang binitawan. Natahimik ang aking nawawaring pag-iisip. Bigla akong nakinig. Marahil ay dahil ako'y nakaupo nang may kaunting distansya mula sa kinatatayuan niya, o marahil kaya'y dahil sa interesado ako sa mga ganitong klaseng bagay. Walang pinagkaiba ang aking mga natanto sa mga tarok ng kanyang isipan at mga natanong niya. Katulad niya, nagtataka rin ako. Mayaman ba talaga tayo . . ? O naghihirap na nga ba talaga ang Pilipinas?

Sa dami ng tao sa Pilipinas, hindi sila nakakatakas sa pagbabayad ng buwis. At sa dami ng taong bumabayad ng buwis, bakit mukhang wala masyadong asenso ang nangyayari sa Pilipinas? Ilang taon nang naghihirap ang Pilipinas, kung di ako nagkakamali. Ngunit sa kabilang punto, may napupuntahan din naman ang binabayad ng mga mamamayan. May nakikita ako kung minsan ay nagwawalis ng kalye, gumugupit ng damo sa gilid ng kalsada at nag-aaus ng mga sira-sira nito. Sapagkat ngayong hindi ko pa nararanasan ang hirap sa paghahanap ng pera at isiping ang parte ng kinikita ko'y napupunta sa gobyerno, hindi ko alam kung sapat na ba ito. At kung tutuusin ay hindi lang iisa ang bumabayad, pagkat milyun-milyon.

Ang hindi ko lamang maintindihan sa ating bansa ay mas pinagtutuunan pa ng pansin ang mga iba't ibang isyung kinakaharap nito. Okay lang naman eh, pero wala na akong nakita at narinig na magandang balita eh. Ang gulo rin ng mga mamamayan. Nagrereklamo kung bakit ganyan kamahal ang buwis na binabayad at kung bakit hindi gaanong umuunlad ang ating bansa, ngunit isang demokratikong bansa naman ang Pilipinas. Wala naman akong pakialam kung nangungurakot ang ibang mga opisyales, kung tama nga ang mga sinasabi ng iba. Mangurakot sila hangga't kaya nila, basta't hindi babagsak ang Pilipinas at gagampanan nila ang responsibilidad nila nang tama. Yun lang ang akin.

Upang mapaiksi ang mahabang kwento ng saloobin, sana'y matauhan na tayong lahat. Una, malapit na ang 2010 Elections. Isigaw ang inyong boses nang sa ganun ay marinig kayo't umunlad naman tayo. Nasa kamay natin ang ating kinabukasan. Pangalawa, sana ay huwag naman tayo masyadong magreklamo sa buhay. Ni hindi nga tayo nagrereklamo kung bakit tayo masaya kung minsan. Magpasalamat na lamang tayo sa mga unos ng ating buhay. Doon ay natututunan nating tumayo muli nang taas noo. Huwag narin sana nating pagtuunan ng masyadong pansin ang mga walang kwentang bagay. At ang nakaraan ay nakaraan na. Lilipas lang din ang lahat ng 'yan at maglalaho. Huwag tayong makulong sa nakaraan. At ang huli, sa maliit na bagay nagsisimula ang lahat. Pahalagahan natin ang mga mumunting bagay na andiyan sa ating paligid. At nawa'y tayo'y umusbong narin.

At kung ibabalik ang katanungan kanina, na kung saan napunta ang mga buwis na ibinabayad ng mga mamayan, hindi ko alam at wala akong ideya. Ayoko ng alamin pa. Kung nasaan na man yun na dapat ay sa pag-asenso ng Pilipinas, marahil ay nasa mabubuti ng kamay.


Tayo'y kumilos pagka't nasa atin ang kapangyarihan.

14 comments:

rammyboi said...

like your post.. even im not that interested with politics and economic stuffs. Unless, it was properly expressed by an author or a blogger. (special mention si bob ong. I love his books and I even collect them. :) also you! hehehe. you delivered the message smoothly :) im quite slow with the reading of ur your entry kasi Tagalog xa. not only Tagalog, malalalim na tagalog. hehehe. :) but it's great, actually! :) )

I was also asking the same question before...but I got tired of fooling myself. Kung si bob ong pa, Wala na tayong magawa, parte na yan ng pagka Pilipino natin (yung pagka fatalistic). Not unless, marealize ng bawat isa kung ano talaga ang mali sa kanyang sarili at siguraduhing itama kng ano dapat itama.. hindi yung nagsisihan o nagpapasapasahan ng problema.

Siguro may patutunguhan pa ang bayan natin. Kasing asenso na natin yung ibang bansa na hindi naman ganun ka yaman. :)

oops! long comment cnxa na.. just sharing an idea. nadala din sa moment :) keep it coming! :) Just dropping by :)

iceah said...

kasi mahirap din kumuha ng funds to develop our place tapos ikurakot pa ng mga politicians pano nalang. sna magtulungan nlang tayo lahat para madevelop lalo Country natin sad no. let's make a difference by being an example by word and deed c:

sej said...

kaya nga eh. kawawa lang bansa natin. pero kaya naman yan ng mga Pilipino eh. tayo pa. (:

e'an said...

absent aku nito no? hmp

rammyboi said...
This comment has been removed by the author.
rammyboi said...

yup2... every1 naman can make a change happen d ba??? pero xempre meron lng talagang attitude ang pinoy na di ko talaga ma specify kasi pati ako i dont know how to explain or describe that attitude. basta, ung tipong "pinoy attitude" na naga hinder sa changes.ganun na lng. if sana lng ma realize ng karamihan yung narerealize natin, especially yung nasa lower class of society, cguro may patutunguhan tau. pero we cant blame them d ba? xempre mas uunahin nila yung naghuhumiyaw nilang sikmura kaysa pakinggan kung anong sina-suggest natin. That's why some of them even resort to violence para lang makatawid sa gutom or even survive for that specific day. anyways! i was intellectually stimulated with ur post gyud! i try to divert my attention if i encounter this kind of issue about Philippines, kasi I end up talking alot. :) isa pa, when it comes to the topic about Philippines, debatable kasi mostly, kaya marami ang nakakashare ng ideas. :) so im thanking you for sharing this topic and your ideas. atleast, we know na we have done our part in expressing our sentiments. Let's just hope, alot of people will read this entry so that, mas mabuksan pa yung mind nila sa real situation ng country natin. atleast, rarami na ang gustong tumulong sa pag unlad ng Pinas! Go! Philippines! ^_^

Ishna Probinsyana said...

Ganun talaga. Nakakainis din na paulit ulit sinasabi sa mga balita at press release ng gibyersno na umaayos ang ekonomiya pero dumadami naman ang nagugutom bawat araw. bawat oras pa nga malamang.Ang mga kurakot kase, mukhang malabo ng mawala eh.

Ayan na naman, si Bolante, nakuuu, malamang isa na naman yan sa mga nakapadaming inembestigahan pero wala pinahintatnan.

Pero hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa. I still hope and believe that someday this country will be good enough for its people. :)

timoy said...

do not vote for trapo!
traditional politician ika nga.
baguhin natin ang mukha ng
malacañang. gusto ko c bayani
para pink lahat kalsada natin.:)

sej said...

to e'an : absent ka ba nito? di ako sure eh.. mukha yata.. hehehe. pero, parang andun ka man. ewan! kalimutan ko..

sej said...

to sir rammyboi : oo nga sir, may chance pa naman eh. Nothing's impossible to think that there's God. :) uunahin nga tlga nila dapat ang kani`kanilang mga sikmura, pero hindi naman kasi sagot ang pag`gawa ng bayolente eh. ang mahirap kasi, sarado ang kanilang isipan sa mga napakaraming posibilidad upang kumita naman para may makain sila. o di kaya, talagang may mga taong degrading lang talaga kung minsan. tsk.

thanks po for appreciating my post. and ako mismo sir, maraming maraming saloobin pa about issues ng Philippines. can't sum it all nga lang.

kaya natin to! Go Pinoy! (:

sej said...

to ishna : haai. okay lang naman mangurakot sila eh, basta may napapala pa tayo sa mga binabayad sa kanila. |:

speaking of Bolante, ang gulo niyang issue na yan. sinagot niya ang tinatanong sa kaniya, pero di naman iniinsist naman ng mga tao na nagsisinungaling siya. pano kasi, ang gusto ng mga tao na marinig mula sa kanya, ay yung gusto nilang marinig. hindi yung kusang sasabihin ni Bolante. Hay, ANG GULO! (pero sabagay, obvious rin naman kasi siguro na nagsisinungaling talaga siya. hehe. Ü)

yes, ako rin. hindi rin ako nawawalan ng pag-asa. kaya pa to. at kakayanin pa hanggang saan man ang makaya. at kahit na ganito ang Pinas, i'm still proud of it for what it is and what it has become. (:

sej said...

to timoy : haha!! why not?! pero, ayoko ng pink eh. i mean, i'm not really into pink. pero, why not?? new image...? haha!!

yes! don't vote for trapo. NEVER vote for trapo. at huwag magpaka`blind sa mga sinasabi. WE NEED ACTIONS. CONCRETE ACTIONS! =)

rammyboi said...

just keep it up sej! reading your other posts too.. pero d na as frequent as before. too busy checking quizzes and preparing lesson plans. :)

we can do it! take care! ^_^

jes said...

@rammyboi's 1st post: hi rammyboi! thanks for liking my post. i like bob ong too a lot. his words are just so natural that every Filipino could relate about his works. malalim ba? hehe. hindi naman masyado. well, thanks again anyway. (:

Oo nga eh, nakakapagod naring isipin ang mga ganyang issues, pero hindi maiwasan. Parte tayo ng Pilipinas eh. at Pilipino tayo. Hindi naman sa hindi ako sumasang-ayon kay Bob Ong ngunit tingin ko'y may magagawa pa tayo't hindi pa huli ang lahat. Sana nga mamulat na ang mga isipan ng lahat. (:

Naniniwala rin ako na aasenso't aasenso rin tayo. (Ayun, may tanong uli na lumabas sa aking isipan...) Kailan? Kailan pa natin aantaying yung asensong ating inaasam? Kapag wala na tayo? Yung tipong hindi natin mapakikinabangan ang ating pagka-asenso? Dapat kasi ngaun. as in like, NOW. hehe. :))

oops! napahaba rin ang aking comment. hahaha!! thanks for visiting! (: balik ka uli.