Pages

paSABOG

Ako'y inaantok na,
Ngunit kinakailangan kong magising pa.
Upang matulungan ang aking ina,
Sa kanyang mumunting itinitinda.

Sa dalawang tasang kape,
Wala man lang nangyari.
Ang mata ko'y tila patuloy na nahuhulog
At ang katawan ko'y sabik nang matulog.

Hindi ko alam kung bakit,
Ngunit ang kape ay hindi epektib.
Parang tubig na lamang ito,
sa aking katawang naaabuso.

Sa kama ko, ako'y napadaan,
Parang napapalapit nang dahan-dahan.
Palakas nang palakas ang tukso,
habang patuloy akong lumalayo.

At sa wakas!
Anim na oras man ang lumipas,
makakasama ko narin ang aking unan
na sabik na sabik ko nang hagkan.

Wala man akong ideya sa aking mga isinasambit
Pagpasensyahan na't di na mauulit.
Ako'y SABOG lamang,
Sa di malamang dahilan.
Marahil ay sa kapeng ako'y napasobra,
o di kaya'y sa magdamag na bukas ang aking mga mata.




*just bored. =| going to sleep now, GOOD MORNING! :D

2 comments:

tin said...

hehe nice one. naentertain ako. =D

jes said...

haha! salamat. buti nmn. :D