Pages

Malupit na Ulan

Hindi ko pa naibubukas ang aking mga mata
ay tila nauna nang magising ang aking mga tainga.
Naiirita sa ingay sa labas ng bintana
at namimilipit sa ginaw na nadarama.
Walang tigil ang makulimlim na langit
sa luhang may ingay na malupit
Ngunit walang makakahadlang sa akin
matutulog akong muli nang mahimbing.
Pagmulat ng mata'y luha ang nadatnan
sa bintana'ng aking pinagmamasdan
Tila mabigat ang dinadalang pighati
ng langit sa itaas na walang tigil sa pag-hikbi.
Nasaan ang aking masayahing araw
lumisan kaya at ako'y giniginaw?
Ngunit sa lamig na ito'y mahirap bathin
O ilaw ko, ako'y iyong painitin.
Lumipas ang ilang oras, tuloy ka parin sa pag-iyak,
ano kaya ang nangyari't ikaw ay hindi nagagalak.
Sana'y bumalik ka na sa dati mong kalagayan
at ng sa gayon maayos na rin ang aming kabagayan.
Masarap man ang simoy ng iyong hangin
ngunit araw ay aming kinakailangan din.
At sa lamig na iyong ibinibigay na di namin kayang bathin
kalagayan nami'y maiintindihan mo rin.
Natulog kami't nagising muli
at sa pagmulat ng mata, kami'y nawili
sa ganda ng sinag ng araw mula sa langit
tila sabik ding makita ang aming mga ngiti.
Salamat naman at maayos na ang lahat
pati ang emosyon ng langit na tila mabigat
ay napawi narin ng kasabika't tuwa
at ang ninanais na muling pagkabuhay
ay batid na batid sa iyong masinag na liwayway.

2 comments:

Richard the Lionheart said...

Mas malupit ang malamig tubig sa umaga at ang hirap sa paggising...

Lagi na lang akong late!

Nice poem pa rin naman....

jes said...

oo nga! sira ang heater namin kaya nagtitiis sa mayelong lamig ng tubig. parang nakadikit nga lang ang likod ko sa kama. haha!

salamat!